SAN ANTONIO, Quezon - Dalawang hindi nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang dinukot, binaril, bago pinatay ang natagpuan sa Barangay Pulo ng nasabing bayan, kamakailan.

Sa report ng pulisya, ang isa sa biktima ay nakasuot ng puting shirt, blue short, malaki ang pangangatawan, 5'6”- 5'7" ang taas, 45 -50 taong gulang at patay na habang ang ikalawang biktima na nakasuot ng itim na t-shirt, dilaw na short pants atsapatos, katamtaman ang pangangatawan, 4'4"-5'6" ang taas aygumagalaw pa nang marespondehanng mga pulis.

Naibulongpa umano sa mga pulis ang katagang "Las Piñas" bago tuluyan itong binawian ng buhay.

Sinabi ng pulisya na may mga tama ng bala ang dalawa nang matagpuan sila ng mga residente nitong Martes, dakong 7:50 ng gabi.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Sa pahayag ng mga testigo, nakita nila ang mga suspek sa lugar na sakay ng isang kotse bago pa madiskubre ang insidente.

May teorya naman ang mga awtoridad na posibleng binaril ang dalawang biktima sa ibang lugar at itinapon lamang sa naturang lugar upang iligaw ang mga pulis sa imbestigasyon.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang nasa likod ng krimen at motibo ng mga ito.

Danny Estacio