Kinumpirma ni Vice President Leni Robredo na tumatanggap na siya ng mga request o pakiusap mula sa mga pamahalaan ng Metro Manila na magtatag ng vaccine express sites sa kani-kanilang lugar.

Sa paglulunsad ng vaccine express site sa Maynila  nitong Martes, sinabi ni Robredo  na bukas siya sa pakikipag-partner sa mga lokal na pamahalaan basta sila ay bibigyan ng sapat na suplay ng bakuna.

Ang proyekto (vaccine express site) ay naglalayong maging accessible ang pagbabakuna sa  economic frontliners na kabilang sa A4 priority group, gaya ng tricycle at pedicab drivers, at delivery riders. Sinimulan ito nitong Martes. 

"For us, we're open to whichever local government unit is willing to partner with us. Actually, marami ang nakikiusap, pero ang problema namin ay ang supplies,"  aniya.

Eleksyon

JIL Church, nag-endorso ng 5 senatorial candidates

Sa ulat, ang inisyal na vaccine supplies at site ay inako ng Manila City local government, samantalang ang kanyang tanggapan ang namahala sa staff at sa mga bus. Hindi niya binanggit kung sinu-sino ang mga local chief executive na nakikiusap at nakikipag-ugnayan sa kanyang opisina. 

"Ourbiggest problem is that in our office, we didn't have access to supply. So for us, we are really dependent on which LGUs are willing to partner with us. So when we offered it, the City of Manila immediately said, 'yes, we want it,'" pahayag pa ni Robredo.

Bert de Guzman