BENGUET - Dalawang pinaghihinalaang drug pusher ang natimbog ng mga awtoridad sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operations sa Itogon at Baguio City ng lalawigan, kamakailan.
Ayon kay Police Regional Office-Cordillera (PRO-Cor)-Regional Intelligence Division (RID) chief, Col. Elmer Ragay, una nilang naaresto si Winden Pimentel Baggay, 29, alyas Baggay, minero, at taga-Skyview, Virac, Itogon, Benguet.
Kabilang ito saTop Ten Drug Personality sa rehiyon, ayon kay Ragay.
Si Baggay ay inaresto mismo sa kanilang lugar at nasamsam sa kanya ang P23,800 halaga ng shabu.
Sa Baguio City, arestado naman ang isangHigh-Value Individual na nasa drug watchist din ng Directorate for Intelligence, sa isang operasyon sa Purok 5, St. Joseph Village Barangay, Baguio City.
Nakumpiska sa suspek na si Marcelo Quinto Mata, 24, vendor, tubong Pangasinan, at taga-Trancoville, Baguio City, ang 2.6 gramo ng iligal na droga (P21,760) at marked money.Kakasuhan ang dalawa ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Zaldy Comanda