ni BERT DE GUZMAN

Negatibo si Vice President Leni Robredo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang lumabas sa RT-PCR test ni Robredo na ngayon ay nasa pitong araw na ng self-quarantine nito.

“Got my NEGATIVE RT PCR Result just a few minutes ago. I quarantined strictly inside my bedroom for 7 straight days. Went out early this morning to have myself tested and went back to my cave to wait for my result,” ani Robredo sa kanyang Facebook account nitong Huwebes.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sinabi ng Bise Presidente na kahit siya ay negatibo, itutuloy pa rin niya ang 10-day quarantine period upang makasiguro na ligtas siya sa virus.