Agence France-Presse
Ang mga bakuna sa Covid-19 ay hindi lamang kinasasabikan bilang proteksyon mula sa nakamamatay na virus, sila rin ay isang pera sa labanan para sa pandaigdigang impluwensya, sinabi ng mga eksperto, lalo na sa pagitan ng China at Russia.
Habang inilalaan ng United States ang mga bakuna nito para sa mga Amerikano, at nakikipagpunyagi ang mga European sa paghahatid, ang Beijing at Moscow, pati na rin ang India, ay pinapaganda ang kanilang prestihiyo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga stock ng bakuna sa mga mahihirap, mahihinang bansa.
“Getting these vaccines into the arms of billions of people is now the most pressing challenge for the international community. This is, in a manner of speaking, the ‘new arms race’,” ayon sa The Soufan Center, isang research body.
Ang China, na nauna na sa laro sa pagsisimula ng pandemya sa pamamahagi ng mga maskara, ay nagbibigay sa maraming mga bansa ng mga bakuna, kung minsan ay libre.
Halos 200,000 na dosis ang bawat isa ay napunta sa Algeria, Senegal, Sierra Leone at Zimbabwe, 500,000 sa Pakistan at 750,000 sa Dominican Republic.
“China managed to present itself as a champion of the southern countries at a time when the north showed complete selfishness,” sinabi ni Bertrand Badie, professor for international relations sa Sciences-Po university sa Paris, sa AFP. Samantala, ang Russia ay buong kapurihan na namamahagi ng bakunang Sputnik V, na ipinangalan sa mga unang satellite na inilunsad ng Soviet Union.
Sa una ay kinutya sa Europe, ang bakuna ay nakakuha ng kredibilidad pagkatapos ng isang positibong pagsusuri sa medical na journal na The Lancet. Tatlong bansa sa EU - Hungary, Slovakia at Czech Republic - pinili ang bakunang Russian nang hindi naghihintay para sa pag-apruba mula sa European Medicines Agency (EMA), habang nahihiapan ang Europe sa mahabang pagkaantala sa paghahatid ng dosis ng bakuna.
Paraan para mabawi ang kapangyarihan
“For Russia, to show the world that ultimately it suffered less from the coronavirus than the United States, and that Russia is far more efficient (with vaccines) than western European countries, is a way to reclaim power,” sinabi ni Badie sa AFP.
“In international relations, the image you project is decisive,” sinabi niya, idinagdag na si Russian President Vladimir Putin ay may “obsessive will to re-establish Russian power, have parity with the western world, and to be respected”. Gayunpaman, ang Russia ay pinipigilan ng limitadong kapasidad ng produksyon nito, at kailangang ibahagi ang mga nasamsam ng bagong pandaigdigang impluwensya sa China.
Tinulungan ng Beijing ang Serbia upang maging Covid vaccination leader sa Europe.
Ang Hungary ay nag-order ng limang milyong dosis mula sa Sinopharm China, sapat na upang mabakunahan ang isang-katlo ng populasyon nito.
“Beijing has been linking measures to combat the Covid-19 pandemic in aid recipient countries with the prospect of post-pandemic cooperation within the BRI framework,” ang malawakang Belt and Road Initiative infrastructure project, ayon sa SWP, isang German political research foundation.
“Above all, Beijing wants to be perceived internationally as a ‘responsible great power’,” aniya.
Pangatlong ‘Half-Time’
Ang India, na isang higante sa produksyon ng bakuna, ay nagsimulang magbigay sa mga kapitbahay nito, kabilang ang Nepal, Bangladesh at Sri Lanka.
Ginagagamit din ng mga mas maliit na bansa ang mga bakuna bilang mga bala sa diplomasya.
Ang Israel, na itinuturing na kampeon ng pagbabakuna sa buong mundo, ay nagsuplay ng mga dosis sa Honduras, at sa Czech Republic din na nagbabalak na magbukas ng isang diplomatikong representasyon sa Jerusalem. Ang United Arab Emirates ay nagbibigay ng mga naka-target na donasyon sa Gaza, isang teritoryong Palestinian sa ilalim ng Israeli blockade, at sa Tunisia. Nahuhuli ang EU sa diplomatiko, ngunit ang karera ay hindi pa natapos, ayon sa isang mataas na diplomat ng EU.
Ang mga Ruso at Tsino ay nagpatuloy “in a rather uncontrolled way, without going though all the validation steps,” sinabi ng diplomat.
“However this is a marathon, there will be a second half-time, maybe even a third,” aniya.