Naka-hightened alert ang Philippine National Police (PNP) sa nalalapit na anibersaryo ng pagkakatatag ng Communist Party of the Philippines -New People’s Army (CPP-NPA) sa Disyembre 26.
Iniyahag ito ng Police Regional Office-6 kasunod ng pambobomba ng mga rebelde sa patrol car ng Tubungan Municipal Police Station (TMPS) na ikinasugat ng kanilang chief of police na si Pol. Lt. Jose Rommel Samson.
Sinabi ni Police Colonel Gilbert Gorero, director ng Iloilo Provincial Police Office (IPPO), na mahigpit ang kanilang pagmamatyag sa galaw ng mga rebelde.
Naniniwala si Gorero na ang pag-atake sa Tubungan ay bahagi ng 52nd founding anniversary ng CPP sa Disyembre 26.
Ayon kay Gorero, inalerto lahat ng tauhan ng pulisya na bantayan ng tanggapan ng pulisya at manmanan ang mga kilos ng mga rebelde.
-Fer Taboy