Maaari silang mauna sa pila para sa bakunang Covid-19 kung nais nila, ngunit ang ilang US health care workers ay may pag-aalinlangan sa pagtanggap ng isang bakuna na nabuo sa napakabilis na panahon - kahit na nangangalit ang pandemya.

Ang ilan ay nais ng mas maraming oras, sa kabila ng mga pagtiyak mula sa mga eksperto na pinagkakatiwalaan nila ang proseso ng pag-iingat ng bakuna na isinagawa ng US Food and Drug Administration.

“I think I would take the vaccine later on, but right now I am a little leery of it,” sinabi ng nurse na si Yolanda Dodson, 55, sa AFP.

Nagtatrabaho si Dodson sa Montefiore Hospital sa New York City at ginugol ang tagsibol sa gitna ng nakamamatay na laban kontra sa virus.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang mga pag-aaral sa bakuna “look promising but I don’t think there is enough data yet,” sinabi ni Dodson. “We have to be grateful to those who are willing to subject themselves to take that risk” na makilahok sa mga pag-aaral, aniya. “It is a very personal decision.”

Si Diana Torres ay nars sa isang ospital sa Manhattan na nakita ang marami sa kanyang mga katrabaho na namatay sa novel coronavirus ngayong tagsibol.

Partikular siyang naghihinala sa mga bakunang minadali para sa pag-apruba sa ilalim ng administrasyong Trump, na sinabi niyang hinawakan ang buong pandemya tulad ng “some sort of joke.”

“This is a vaccine that was developed in less than a year and approved under the same administration and government agencies that allowed the virus to spread like a wildfire,” sinabi ni Torres.

“They didn’t have enough time and people to study the vaccine,” aniya.

“This time around I will pass and watch how it unfolds.” Ipinakita sa datos mula sa mga klinikal na pagsubok na ang dalawang bakuna - ang isa ay binuo ng Pfizer at BioNtech, ang isa naman ay ng Moderna at ng US National Institutes of Health - ay halos 95 porsyento na epektibo.

Karaniwan ang FDA ay nangangailangan ng anim na buwan ng pag-follow up, ngunit kung walang masamang reaksyon na lilitaw sa unang dalawang buwan, bihirang makakita ng anupaman sa susunod na apat - at ang nagngangalit na pandemya ay binago ang risk-benefit calculations.

Mayroong 44,000 mga boluntaryo sa pagsubok sa Pfizer, at 30,000 sa Moderna, at ang data ay na-firewall mula sa mga kumpanya at sinuri ng mga dalubhasa na malaya sa political pressure.

‘Guinea pigs’

Ang mga kapwa nars na nagkokomento sa Facebook page ni Torres ay tila may pagdududa rin.

“They failed miserably with PPE (personal protective equipment) and testing and now they want you to be guinea pigs for the vaccine,” isinulat ng isang kaibigan.

Ang nasabing reserbasyon ay pangkaraniwan sa 20 milyong mga health care workers sa United States- ang bansa na pinakamatinding naapektuhan ng pandemya na may higit sa 272,000 na namatay - sinabi ni Marcus Plescia, chief medical examiner para sa Association of State and Territorial Health Officials (ASTHO) .

“There are a lot of people who feel we don’t have enough data yet,” aniya.

Gayunman marami sa mga parehong tao na ito ay nagsasabing ‘I’m going to get this (vaccine), but I’m going to wait for a while.’”

Ang pagsawalang-kibo na ito “could end up being a really big problem,” sinabi ni Plescia, lalo na’t malamang na hindi mapilit ng mga ospital ang kanilang mga empleyado na magpabakuna.

Mayroong peligro kapag napakakaunting mga tao, kabilang ang mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan, ang nabakunahan, sinabi ni New York Governor Andrew Cuomo. “This is the whole anti-vax movement of people who are skeptical about vaccines. On top of that you have added skepticism about this,” sinabi niya nitong Miyerkules.

Sa Gallup poll sa huling bahagi ng Oktubre-at unang bahagi ng Nobyembre natuklasan na 58 porsyento lamang ng mga Amerikano ang kukuha ng bakunang Covid-19 kung ito ay agad na magagamit, mula sa 50 porsyento noong Setyembre.

Ang pag-aatubili na iyon ay humantong sa New York at anim na iba pang mga estado na lumilikha ng kanilang sariling komisyon upang suriin ang kaligtasan ng mga bakuna, sinabi ni Cuomo.

‘Ethical obligation’

“Most of us feel there is an ethical obligation to get vaccinated,” sinabi ni Plescia.

“Not only are we a very important workforce, health care workers take care of people who are very vulnerable” -- at ang medical professionals ay ayaw na makita silang nagkakasakit.

Ang radiologist sa New Jersey na si Mohamed Sfaxi, na ang ospital sa kanayunan ay nakakita ng pagdagsa ng mga pasyente ng Covid sa huling tatlong linggo, ay kabilang sa mga sumusubok na kumbinsihin ang kanyang nag-aatubiling mga kasamahan na magpabakuna. “We have people who are wary, we have to talk to them and explain the data to them,” sinabi ni Sfaxi, 57.

Maraming tao sa naniniwala niya ang nag-aalala tungkol sa bagong teknolohiyang “messenger RNA” na ginagamit ng mga bakuna ng Pfizer at Modern, na pinapasok ang mga cell ng tao at ginagawang mga pabrika na gumagawa ng bakuna sa pamamagitan ng kaunting hibla ng genetic info.

Sinabi ni Sfaxi na ang ilan ay nababahala rin na ang mga bakuna ay napakabilis na binuo.

Gayunman, ang kadahilanang napakabilis na itong nagawa ay simpe “because science has made progress and the whole world was focused on it,” aniya. Nabubulabog ng mga larawang nakikita niya araw-araw ng baga ng mga pasyente na napinsala ng novel coronavirus, sinabi ni Sfaxi na plano niyang magpabakuna sa lalong madaling panahon, nang walang pag-aatubili.

Pagkatapos ay regular niyang susubukan niya ang kanyang sarili para sa mga antibodies sa regular na batayan.

“That will allow me to see when I start to have an immune reaction ... and to have a little less anxiety,” sinabi niya.

Agence France Presse