Mabilis na ibinasura ng federal appeals court ang bintang ni President Donald Trump na hindi naging patas ang eleksyon, kasabay ng pagtanggi na itigil ang pagwawagi ni Joe Biden sa key state ng Pennsylvania.
Sa isang “scathing review” sa argument ng kampo ni Trump na dinaya ang president sa kanyang November 3 reelection bid, idineklara ng tatlong appeals court judges na ang alegasyon ng “unfairness were not supported by evidence.” “Charges of unfairness are serious. But calling an election unfair does not make it so,” saad ng korte.
Sa pag-apela sa lower court ruling, iginiit ng Trump campaigning diskriminasyon, saad ng mga hukom.
“But its alchemy cannot transmute lead into gold,” paliwanag ng korte.
Ito ang pinakabagong update sa dose-dosnang court defeats sa bansa para sa kampo ni Trump at sa mga Republicans na nagsasabing dayaan at iba pang misconduct ang nagdulot ng pagkatalo ni Trump sa halalan.Patuloy ang paggigiit ni Trump na inbalido ang pagkapanalo ni Biden.
“Just so you understand, this election was a fraud,” pahayag niya sa mga reporters kamakailan.
AFP