Ang isang coronavirus vaccine na binuo ng drug firm na AstraZeneca at Oxford University ay nagpakita ng 70 porsyentong pagiging epektibo sa mga pagsubok sa 23,000 katao, sinabi nila sa isang pahayag nitong Lunes.
Inanunsyo ito matapos ang iba pang mga pagsubok sa gamot na binuo ng Pfizer / BioNTech at Moderna ay nagpahayag ng pagiging epektibo ng higit 90%.
Ang mga resulta ay nasa pagitan ng 62% at 90% na pagiging epektibo depende sa dosis ng bakuna, ayon sa pahayag nitong Lunes.
Sinabi ni AstraZeneca chief executive Pascal Soriot na ang bakuna ng kanyang kumpanya ay magiging napakaepektibo pa rin at magkakaroon ng “agarang epekto”.
Sinabi ng kumpanya na target nitong bumuo ng hanggang sa tatlong bilyong dosis ng bakuna sa 2021 kung pumasa ito sa natitirang mga hadlang sa pagkontrol. Habang ang gamot ay nagpakita ng 90% kapag ibinigay bilang isang kalahating dosis na sinusundan ng isang buong dosis na hindi bababa sa isang buwan ang pagitan, ang resulta ay 62% nang ibigay bilang dalawang buong dosis sa parehong panahon.
“The combined analysis... resulted in an average efficacy of 70 percent,” ayon dito.
Sinabi ng kumpanya na ang bakuna ay maaaring iimbak, ibiyahe at manatili “at normal refrigerated conditions” na nasa pagitan ng 2 at 8 degrees Celsius (36 to 46 degrees Fahrenheit) sa loob ng anim na buwan.
AFP