HABANG nagdiriwang ang mundo sa bagong kaganapan hinggil sa bakunang binubuo laban sa novel coronavirus, isang top WHO expert ang nagbabala na ang kawalan ng tiwala ng publiko ay nagbibigay ng panganib sa pagbibigay ng kahit ano pang pinaka epektibong lunas laban sa pandemya.
“A vaccine that sits in a freezer or in a refrigerator or on a shelf and doesn’t get used is doing nothing to help shorten this pandemic,” pahayag ni Kate O’Brien, director ng immunisation department ng World Health Organization.
Nitong Lunes inanunsiyo ng US pharmaceutical giant Pfizer at ng katuwang nitong German BioNTech na napatuyan ang 90 porsiyentong kabisaan ng kanilang bakuna sa pag-iwas sa COVID-19 sa isinasagawang final phase trial sangkot ang higit 40,000 tao.
Pinuri ni O’Brien ang interim results bilang “extremely important”, at nagpahayag ng pag-asa na ang preliminary data mula sa iba pang kandidatong bakuna na nasa advanced trial ay inaasahan naring darating ang resulta.
“[If the complete data show that] one or more of these vaccines has very, very substantial efficacy, that is really good news for putting another tool in the toolbox for fighting the pandemic,”aniya.
Gayunman, sa patuloy na bugso ng pandemya matapos maitala ang nasa 1.3 milyong pagkawala ng buhay, nagpahayag siya ng pagkabahala sa lumalagong senyales ng vaccine hesitancy, dulot ng misinformation at mistrust na nagbibigay balakid sa pagtanggap ng publiko sa scientific advances.
“We are not going to be successful as a world in controlling the pandemic with the use of vaccines as one of the tools unless people are willing to get vaccinated,” paliwanag ni O’Brien.
Marami pang kailangang gawin upang mapalakas ang “public confidence in the fact that the vaccines that WHO is involved in evaluating, we will not be compromising on safety or efficacy,” aniya.
‘CLIMBING EVEREST’
Aminado naman si O’Brien na may mahahalagang katanungan hinggil sa Pfizer-BioNTech vaccine at sa mga kasama nito, tulad ng gaano katagal ang maibibigay nitong proteksyon laban sa virus.
At bagamat sinusuri ang mga kandidatong bakuna sa kung gaano kabisa at ligtas na napoprotektahan nito ang tao mula sa pagkakaroon ng sakit, malabo pa rin kung naiiwasan nito ang asymptomatic infection at ang pagkapasa ng virus.
Ang malaking taong, aniya, ay: “does it change your likelihood of transmitting to anybody else?”
Sa kabila naman ng mga kuwestiyon, umaasa ang WHO na makapag-apruba ng isa o higit pang bakuna, na susundan ng rapid scale-up na produksyon at pamamahagi.
Dahil sa inaasahang malaking demand sa anumang maaprubahang bakuna, tumulong na ang UN health agency sa paglikha ng tinatawag na Covax facility upang masiguro ang patas na pamamahagi.
Ngunit kahit pa sa malawakang pagsisikap, gugugol pa rin ng mahabang panahon upang magkaroon ng sapat na does para sa lahat, at bumuo na ang WHO ng panuntunan kung paano ipaprayoridad ang distribusyon.
“The goal here is that every country should be able to immunise 20 percent of their population by the end of 2021,” giit ni O’Brien.
Kabilang dito, aniya, ang pagbibigay ng proteksyon sa mga healthcare workers at pinaka nanganganib na populasyon, gayundin ang mahalaga sa pagpapatakbo ng lipunan, tulad ng mga guro.
Kasunod nito, nakadepende na ang bilis na mabibigyan ang lahat ng bakuna sa bansang kanilang tinitirhan, at kung ang kanilang pamahalaan ay nakipagkasundo upang makakuha ng bakuna na naaprubahan.
“We would expect many more doses in 2022,” ani O’Brien.
Samantala, ang logistical challenges na makakuha ng naaprubahang bakuna sa bilyon-bilyong taong nangangailangan nito aykatakot-takot, mula sa manufacturing hanggang sa pagsisiguro sa transportasyon at pag-iimbak sa “extremely low temperatures” na kailangan sa ilang kandidatong bakuna.
“A vaccine that is highly efficacious and is safe… still is only valuable for a public health impact if it actually gets to the people that it needs to protect and is used widely in populations,” ani O’Brien.
Ang pagbuo ng ligtas at epektibong bakuna “is like establishing base camp at Everest,” paliwanag pa niya.
“But actually getting to the impact of vaccines is (like) having to climb Everest.”
Agence France-Presse