PINOST ni Vina Morales ang experience niya nang ma-snatch ang kanyang phone habang nasa loob siya ng kanyang sasakyan.

“Ngayon ko lang po naranasan eto, may nag snatch ng Phone ko sa loob ng kotse ko habang gamit ko po, naiwan ko pong bukas ang window habang nasa edsa, tapat po ng Phoenix gasoline station, meron pang CCTV ang gasoline station, reaction ko

po ay hinabol ko, meron pa akong nakita na tao sabi may alam po sya, biglang may mga pulis na dumating at tinangay yung tao...

Nakausap kop o si Lt. Alvin Bagay at pinapupunta po ako ng presinto para mag report, sabi ko wag na lang po kasi po may covid. Telepono lang naman yun pero nalulungkot ako kasi bakit may mga ganung tao.

Tsika at Intriga

Ice Seguerra, natsikang buntis

Salamat po sa mga tao na tumulong sa akin. Etong message ko just letting you know na mag ingat po tayo. Bahala na lang po ang Diyos sa kanya.”

Marami ang nakisimpatiya kay Vina, pero may mga sinisi rin siya dahil alam naman daw nito na maraming kawatan at snatchers sa Edsa, bakit ginamit ang kanyang cellphone na bukas ang bintana?

Nitz Miralles