ITA-TRY naman ngayon ng versatile actor na si Paolo Contis ang mag-drama kahit mas kilala siyang comedian dahil ilang taon na siya sa gag show na Bubble Gang. Bibida si Paolo kasama sina Andrea Torres, Yasmien Kurdi at Benjamin Alves sa second episode ng unique drama anthology na I Can See You: The Promise.
Magsisimula ang story sa rich widowed na si Frank (Paolo), na nawalan ng ganang mabuhay nang pumanaw sa isang aksidente ang asawang si Clarisse (Yasmien). Right hand naman ni Frank sa kanyang kumpanya ang pinsang si Jude (Benjamin) at minsan dinalaw siya nito sa kanyang lake house, kasama ang girlfriend na si Ivy (Andrea), nagkaroon siya ng interest dito, dahil nagpapakita siya ng ilang characteristics na tulad ni Clarisse.
Makikita ba ni Frank na iba si Ivy o maniniwala siyang pumasok ang espiritu ng namatay niyang asawang si Clarisse kay Ivy?
Kasama pa rin sa cast si Maey Bautista bilang si Rowena Marquez, ang masayahing house helper ni Frank na witness kung gaano kamahal nito si Clarisse.
Ngayong October 5 na ang premiere telecast ng I Can See You: The Promise na dinirek ni Zig Dulay – 9:15PM pagkatapos ng Encantadia sa GMA-7.
Nora V. Calderon