Isang magaling na abogada ang namayapang Susana Vargas, ina ni Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas. Anim na taon siyang nakipaglaban sa Big C.

“Ang wish niya ay maging lawyer akong tulad niya. Pero pinili ko ang maging artista. Ilang araw na hindi niya ako kinibo until we reached a compromise. I took up graduate studies,” kuwento ni Alfred.

Kung buhay pa ang mga magulang ni Alfred ay tiyak na ipagmamalaki nila ang achievements both as an actor and public servant. Ikinalulungkot ng actor na hindi sila nakapiling ng mapili siya bilang isa sa 2019 Ten Outstanding Young Men and Women of the Philippines. Inialay niya ang prestigious award sa kanyang mga magulang.

Ang huling pelikula ni Alfred titled Tagpuan, na siya ang producer ay napili bilang official entry sa unang Metro Manila Summer Film Festival. Ipinagpaliban ang showing nito dahil sa pandemic.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Ang pag-aartista ay bahagi na sa buhay ni Rep. Alfred Vargas na may proposal na incentive program para sa foreign film at TV. Producer na mahikayat magshoot sa Pilipinas.

“I would’t be here today kung hindi dahil sa showbiz. Top priority ko ang public service at gusto kong magsilbi hanggang sa aking pagtanda,” aniya.

-REMY UMEREZ