Magsasama-sama sa unang pagkakataon ang mga Pilipinang mang-aawit na sina Jayda, Jona, Kyla, KZ Tandingan, Lesha, Moira Dela Torre, at Xela at sina Rinni Wulandari at Yura Yunita ng Indonesia, ang grupong DOLLA at si Shalma Eliana ng Malaysia, Haneri at Haven ng Singapore, at si Valentina Ploy ng Thailand para sa isang natatanging awitin na may titulong Heal.”

Handog ng ABS-CBN Music International ang mensahe ng pag-asa sa pinaka-aabangang all-female song collaboration na mapapakinggan na sa lahat ng digital streaming platforms simula ngayong Biyernes, Setyembre 11.

Ito ang unang proyekto na pagsasamahan ng mga artist mula sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia tampok ang kanilang mga boses na layuning magbigay inspirasyon at pagmamahal para sa paggaling, pagbangon, at pagkakaisa ng mga tao laban sa pandemya.

Ang awiting Heal ay isang komposisyon nina Moophs, Alex Godinez aka Xela, at ng ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo na siya ring over-all producer nito.

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla

Isa ring #StreamToDonate project ang kolaborasyon, dahil lahat ng mga nakibahaging mang-aawit ay piniling i-donate ang kanilang hati sa bayad at royalties para sa “Pantawid ng Pag-ibig” ng ABS-CBN, isang fund-raising campaign na hangaring maghatid ng tulong sa mga Pilipinong nawalan ng mapagkakakitaan dahil sa COVID-19 pandemic.

Isa lang ang Heal sa mga proyekto ng ABS-CBN Music International, na naglalayong maipakilala ang talento ng mga Pilipino sa ibang bansa at kamakailan lang, maging tulay na rin sa pagdadala ng mga international talent at music sa Pilipinas.

-MERCY LEJARDE