NAPALUHA sa sobrang pasasalamat ang ilang contestants sa pinag-uusapang bagong game shows ng TV5 dahil dumating ang pagkakataon na manalo sila ng papremyo sa panahong pinaka-kailangan nila ng tulong ngayong pandemya.

Patuloy ang TV5 sa pagbibigay hindi lamang ng kasiyahan kundi kabuhayaan ngayong panahon ng pandemya sa pamamagitan ng masayang game shows na Fill in the Bank at Bawal na Game Show. Natatangi ang episodes ngayong linggo, tampok ang mga kalahok mula sa iba’t ibang mga propesyon na nawalan ng trabaho at nangangailangan ng ayuda sa panahong ito. Nitong Setyembre 9, tampok ang event hosts na sina Maureen Jewel at Shiela May Perelejas na makikigulo sa “Fill in the Bank” hosts “Manedyer” Jose Manalo and “Madam Poky” Pokwang.

Bawat linggo, dalawang kalahok ang sasabak sa kakaibang laro gamit ang Ayuda Teh! Machine (ATM) and Panghakot na Papremyo Equipment (PPE).

Katatawanang Pinoy at Koreano and pinagsama sa Setyembre 11 kasama ang grupong Foreignoy na magtutunggali sa nakakaaliw na game rounds na Enter your Pin Code, Cheque or X, Coin Rush, at Huli Cash. Maaring maging “Juan Partner” ang mga televiewers at manalo ng P5,000. Tumaya lamang sa paboritong kalahok sa pamamagitan ng social media at maging instant home partner winner. Manuod ng “Fill in the Bank” tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes 7:30 p.m. sa TV5.

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla

Tutuloy-tuloy ang kakaibang saya at pamimigay ng ayuda sa Bawal na Game Show tampok ang mga nawalan ng raket ngayong pandemya. Sa Setyembre 8, makikisaya ang mga parlorista sa kuwelang Ghorl Twins na sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros. Natatangi ang kwento ng mga parlorista na nawalan ng pagkakakitaan. Ang isa sa kanila ay pamilyado at napaalis pa sa tinitirahang bahay. Labis ang pasasalamat ng mga kalahok sa TV5 sa pagkakataong makapag-uwi sila ng biyaya sa kanilang pamilya. Dahil wala ring live events at mga gig sa nakalipas na mga buwan, apektado din ang raket ng celebrity look-alike artists at band vocalists. Sila ang tampok na mga kalahok na maglalaro para sa papremyong hanggang P100,000 upang makatulong sa pinagdadaanang hirap dulot ng kawalan ng trabaho. Ang celebrity look-alike episode ay mapapanuod sa Setyembre 10 habang tampok naman ang mga band vocalists sa Setyembre 12. Bawat linggo, apat na kalahok ang dadaan sa iba’t ibang pagsubok sa “Bawal Ma-Fall,” “Bawal ang Da Moves,” “Bawal ang Sablay,” “Bawal ang Sumuko” at “Bawal na Roleta.” May pagkakataong sumali ang mga manunuod bilang home partners kung saan ay maari silang pumili ng kanilan paboritong “pasaway” at manalo ng instant cash prize. Huwang palalampasin ang “Bawal na Game Show” tuwing Martes at Huwebes 7:30 p.m. at tuwing Sabado 7 p.m. sa TV5.

-LITO T. MAÑAGO