NAUNSIYAMI rin ang planong balik training ng malaking bilang ng mga National players matapos maisailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila at karatig lalawigan sa Luzon bilang tugon sa hininging ‘time out’ ng medical frontliners.
Dahil dito, naantala ang dapat sana ay sinisimulan nang training ng mga national athletes, higit yaong sasabak sa Tokyo Olympics at hihirit pa sa Olympic qualifying meet.
Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at dating PBA Superstar na si Ramon Fernandez, handang tumugon ang ahensiya sa ipapatupad ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
“MECQ GCQ o ano paman. parehas lang. Follow only the IATF protocols,” pahayag ni Fernandez.
Ganito rin umano ang magiging patakaran pagdating sa training ng mga atleta, kung saan aniya, kung ano lamang ang papayagan ng IATF sa ilalim ng MECQ ay ito ang susundin ng ahensiya.
“Status quo. Whatever is allowed in MECQ,” ani Fernandez.
.Gayunman, ay patuloy ang isinasagawang pagpupulong ng miyembro ng Board upang masiguro na makukuha ng mga atleta at coaches ang lahat ng pangangailangan sa gitna ng pandemic.
-Annie Abad