Dear Manay Gina,

Mabait ang aking mister kaya lang, hindi siya masyadong sociable, na siya namang kabaligtaran ng aking ugali.

Hindi naman ho sa pagmamalaki, pero ako ay maituturing na life of the party. Talagang sociable ako at masayahin, mula pa noon. Dahil dito naiilang ako kapag kasama ang aking mister sa mga parties. Siya kasi yung tipong alagain. Dahil dito, kapag may social functions na kasama siya, ang feeling ko ay may bata akong inaalagaan.

Myla

Dear Myla,

Bawat isa ay may sariling istilo kung paano kikilos sa isang pagtitipon. Para ring kamay ‘yan: May left-handed at mayroon din namang right-handed. Walang tama o mali, sa halip ay magkaiba lamang. Tanggapin mo na lang ang pagiging tahimik ng iyong mister. Ang kaibahan n’yo pagdating sa pakikipagtipon ay repleksiyon lamang ng magkaiba n’yong personalidad.

Tanggalin mo rin sa ‘yong isip na babysitter ka niya. Sa halip, mag-enjoy ka sa bawat party na pupuntahan at hayaan mo na lamang siyang maghanap ng isa o dalawang tao na puwede niyang makausap, kung doon siya masaya.

As you begin to understand and value each other’s differences, you’ll be free to celebrate and even enjoy the uniqueness of each other.

Nagmamahal,

Manay Gina

Diversity: the art of thinking independently together.” --Malcolm S. Forbes

Ipadala ang tanong sa [email protected]

-Gina de Venecia