GENEVA (AFP) - Itinanggi ng hepe ng World Health Organization nitong Huwebes isang maling paratang ni US Secretary of State Mike Pompeo na utang niya ang kanyang posisyon sa isang kasunduan sa China.
Sinabi ni Pompeo sa isang pribadong pagpupulong ng MPs nitong Huwebes na ang WHO ay naging “political” body, nag-akusa na ang mga pagpapasya nito ay naiimpluwensyahan ng isang kasunduan sa pagitan ng punong si Tedros Adhanom Ghebreyesus at ng China na tumulong sa kanya na maging pinuno nito, ayon sa mga panipi sa Times at Daily Telegraph.
“When push came to shove, when it really mattered most”, people died “because of the deal that was made”, sinabi niya.
Nang tanungintungkol sa mga paratang ni Pompeo sa idinadaos na virtual press conference, sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang mga ito ay “untrue and unacceptable and without any foundation for that matter.”
Iginiit niya na ang “sole focus... of the entire organisation is on saving lives. WHO will not be distracted by these comments and we don’t want the entire international community also to be distracted.”
Inulit niya ang kanyang babala na ang isa sa “greatest threats in the current crisis” ay ang “politicisation of the pandemic”.
Umapela si Tedros sa lahat ng mga bansa na magtulungan sa paglaban sa virus, na kumitil sa higit 627,000 na buhay sa buong mundo mula nang una itong lumitaw sa China noong nakaraang taon.
“COVID-19 does not respect borders, ideologies or political parties,” aniya, nagbabalang “politics and partisanship have made things worse.”
“COVID politics should be quarantined.”
Sa loob ng maraming buwan si Tedros ay humarap sa walang tigil na pag-atake mula kay US President Donald Trump, na inakusahan ang WHO pagsisira sa pandaigdigang tugon sa coronavirus at pagiging isang “puppet of China”.
Nitong unang bahagi ng buwan, tinupad niya ang mga bantang simulan ang pag-alis ng US -- ang pinakamalaking donor ng WHO -- mula sa samahan, kahit nagpupursige ito upang ayusin ang pandaigdigang tugon sa krisis ng coronavirus.
Si WHO COVID-19 technical lead Maria Van Kerkhove, na isang American citizen, ay itinulak din pabalik ang mga akusasyong ibinato laban sa UN agency.
“I have never be more proud to be WHO,” aniya.
“I see first hand every day the work that Dr. Tedros does... that our teams do, all over the world,” aniya, iginiit na ang buong samahan ay “firmly focused on saving lives.”
Sa press conference nitong Huwebes, binigyang-diin din ni Tedros ang kahalagahan ng indibidwal na responsibilidad sa pandaigdigang pagsisikap upang ihinto ang pagkalat ng virus, tinukoy ang mga sariwang pagsiklab na nauugnay sa mga nightclub at panlipunang pagtitipon.
“We’re asking everyone to treat the decisions about where they go, what they do and who they meet with as life-and-death decisions,” aniya.
“It may not be your life, but your choices could be the difference between life and death for someone you love, or for a complete stranger,” diin niya.
“Don’t expect someone else to keep you safe. We all have a part to play in protecting ourselves and one another.”