Tatlongartists na lang kada team ang magkakaroon ng fighting chance na makatungtong sa live shows ng The Voice Teens sa Kapamilya Channel dahil simula na ng lagasan sa Knockout Rounds ngayong weekend (Hulyo 25 at 26).
Sa Knockouts, sasalain ang nalalabing 36 artists ng programa sa pamamagitan ng three-way showdowns kung saan tatlong artists ang maglalaban-laban gamit ang kani-kanilang pambatong ng The Voice Teens” sa Kapamilya Channel dahil simula na ng lagasan sa Knockout Rounds ngayong weekend (Hulyo 25 at 26).
Sa Knockouts, sasalain ang nalalabing 36 artists ng programa sa pamamagitan ng three-way showdowns kung saan tatlong artists ang maglalaban-laban gamit ang kani-kanilang pambatong piyesa sa kantahan. Isang artists sa bawat grupo lang ang magwawagi, kaya apat na artists bawat isang team na lang ang matitira sa pagtatapos nito.
Matitira ang pinakamatibay sa FamiLea ni coach Lea Salonga sa salpukan ng artists niyang sina Tina, Airene, Josh, Aaron, JP, Kristian, Cydel, Alexia, at Andre.
Handa na ring lumaban para sa kanilang pwesto sa live shows ang Team Sarah members na sina Jhon Van, Jaylloyd, Hobe, Pia, Ceejay, Andre, Eunice, Kendra, at Dave.
Magkakasubukan naman ng galing sa kantahan ang Team Apl artists na kinabibilangan nina Calvin, CZ, Isang, Jessie, Noielle, Hana, Yang-yang, Matt, at Tyson. Hindi rin magpapadaig sa labanan ang Kamp Kawayan ni coach Bamboo na paghaharapin sina Heart, Jayne, Kate, Gab, Aly, Dani, Rock, Vincent, at Zam.
Dadagdag din sa excitement ng Knockouts ang artists na na-“steal” ng coaches mula sa isa’t isa sa kakatapos lang na Battles. Matatandaang inagaw nina Apl, Bamboo, at Lea sina Hana, Kate, at Andrea mula kay Sarah, na kinuha naman si Pia mula sa team ni Lea.
May na-steal na artist kaya na magtatagumpay sa Knockouts? Sinu-sino ang top 12 artists na magtataguyod ng kani-kanilang teams sa live shows?
Tutukan ang pakikipaglaban ng teen artists para sa sa kanilang boses at pangarap sa The Voice Teens tuwing Sabado, 7:30 PM, at Linggo, 7:15 PM, sa Kapamilya Channel sa SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable Telecommunications Association sa buong bansa). Mapapanood din ito nang live sa Kapamilya Channel at maaaring mababalik-balikan ang episodes ng sa iWant app o iwant.ph.
Para naman mapanood ang The Voice Philippines DigiTV at makakuha ng updates, i-like ang facebook.com/ The Voice Teens ABSCBN, sundan ang @thevoiceteensph sa Twitter, at mag-subscribe sa The Voice Teens Philippines channel sa YouTube.
-MERCY LEJARDE