Dala nang pagkabigla at silakbo ng damdamin sa mga pahayag ni Angel Locsin sa nakaraang protest rally na ginanap sa harapan ng ABS-CBN, Sgt. Esguerra Street, Quezon City tungkol sa mga kapwa niya artista ay hati ang reaksyon kesyo naging diktador daw ang aktres sa paghikayat niya at may netizens din na binash siya.

angel

In fairness ay may mga tinamaan naman sa panawagan niyang ito dahil nag-post naman pagkatapos o kinabukasan ang mag-asawang Matteo at Sarah Guidicelli, Joseph Marco, at Jane de Leon na tila nagparinig pa kay Angel na hindi niya kailangang pumunta ng rally dahil nga COVID-19 pandemic.

At nu’ng isang araw ay humingi ng dispensa si Angel sa mga tanong nasaktan niya ng damdamin sa mga naging pahayag niya dahil nga lumalabas na namimilit siya pero pinaninindigan pa rin niya ang mga sinabi niya.

Tsika at Intriga

Andi Eigenmann, pinabayaan na raw ba talaga sarili niya?

May mga bashers pa rin ang aktres at kung anu-ano pa rin ang sinasabi tungkol sa kanya at pilit pa ring sinasabi ang tungkol sa shares niya kaya siya nag-iingay, ang hirap talagang maka-intindi ang ilan na kahit paulit-ulit sabihing wala na ay iba pa rin ang paniniwala.

Anyway, marami tayong alam na natulungan ni Angel in the past at hindi naman lahat nailalathala o nababalita sa telebisyon o sa radyo, sabi nga ‘lihim na pagtulong.’ Pero may mga taong nagmamalasakit na hindi makatiis na hindi ilabas ang mga itinulong ng aktres kahit ilang taon na ang nakaraan.

Tulad ng fighting director ng maraming teleserye sa ABS-CBN, si Lester Pimentel Ong na nakasama ni Angel sa La Luna Sangre.

Post ni direk Lester sa kanyang FB page, “Gusto ko lang share ang experience ko working with this person. There was one time, isa sa mga stuntmen namin got heavily injured, naputol ang pinakamalaking buto n’ya sa hita sa isang aksidente na hindi work related.

“Ang pobreng suntman, na-ospital sa Orthopedic Center ng mahigit isang buwan, ubos ang ipon at malaking chance hindi na siya makakalakad muli dahil hindi na niya afford ang mga susunod pang operation na kailangan gawin.

“One late night ng konti na lang tao sa public hospital kung saan nak-aconfine si injured stuntman, dumating siya kasama lang ang driver niya kinumusta si stuntman, consoled his wife and mom, then asked the person in charge of the hospital how much was the accumulated bill at magkano pa ang kakailanganin para makalakad pa ulit si stuntman. Agad n’yang binayaran ang bill, nag-iwan ng pabaon at encouraging words sa pamilya, then she left.

“Siya si Angel Locsin, she is the real life Darna hero s’ya kahit sa likod ng camera, kahit walang nakatingin at walang nakakaalam.

“I just need to share my story of her.”

Kaya ganito na lang kung ipagtanggol ni Angel ang mga ordinaryong manggagawa sa showbiz industry ay dahil sino pa ang tutulong sa kanila kapag wala na ang network na pinagta-trabahuan nila?

-REGGEE BONOAN