Pawang miyembro na ng Philippine Air Force (PAF) ang tatlong manlalaro ng water polo national team.

water polo

Ito ay nang makumpleto ng mga ito ang limang buwan na training sa PAF boot camp sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas.

Dahil dito, pawang Airmen 2nd Class na sina Adan Gonzales, McGyver Reyes at Abnel Amiladjid.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

“Sobrang saya na finally naka-graduate na kami. Sa kabila ng hirap at pagod, masayang-masaya, Airmen na kami,” natutuwang sabi ni Gonzales.

“Ang hirap ng pinagdaanan namin sa training, kung kami nga na mga atleta na, sanay sa training pero nahirapan talaga, what more ‘yung mga ibang kasama namin na civilian tapos pumasok sa military.” “Pero sa kabila ng hirap at pagod, masaya kasi natapos namin and finally eto graduate na kami, makakapiling na namin ang mga pamilya namin,” dagdag ni Gonzales dahil inaasahang makakapiling nito ang kanyang asawang si Camille sa Parañaque City. Ang tatlo ay miyembro ng silver medal winning squad sa nakaraang 30th Southeast Asian Games nitong nakalipas na taon,

ang unang karangalang nakuha ng water polo national team sa loob ng 10 taon.

Bukod sa mga ito, nasa military din ang dalawa pang manlalaro ng water polo na sina Romark Belo at Maui Valdez na kapwa miyembro naman ng Philippine Navy na nasa frontline mula nang magkaroon ng coronavirus pandemic noong Marso.

Binanggit naman ni Reyes, wala silang nako-contact sa labas, sa kanilang pamilya dahil bawal silang gumamit ng anumang uri ng komunikasyon sa loob ng limang buwan nilang training.

“As in totally wala… no cellphone – so walang calls and internet. Hindi naman puwedeng bisitahin kami, talagang yung buhay sa kampo training lang, kain, tapos balik sa quarters,” said Reyes, who is from San Pablo City, Laguna. “Siguro that part ng five months of training, yun ang pinaka-mahirap na part, especially sa panahon now na may pandemic, hindi namin nakakamusta yung mga pamilya namin.” “Kaya nung finally naka-graduate kami, ang sarap pakinggan ng boses nung mga mahal namin sa buhay – ako yung parents ko. Actually naka-video chat ko, and very happy na ok sila,” ayon pa kay Reyes.

-Waylon Galvez