GENEVA/ZURICH (Reuters) - Ang mga mananaliksik ay gumagawa ng “good progress” sa pagbuo ng mga bakuna laban sa COVID-19, na may ilang nasa mga huling yugto ng pagsubok, ngunit ang kanilang unang paggamit ay hindi maaaring asahan hanggang sa unang bahagi ng 2021, sinabi ng isang eksperto sa World Health Organization (WHO) nitong Miyerkules.
Nagtatrabaho ang WHO upang matiyak ang patas na pamamahagi ng bakuna, ngunit sa pansamantala, mahalagang sugpuin ang pagkalat ng virus, sinabi ni Mike Ryan, pinuno ng programa ng emerhensiya ng WHO, dahil ang mga pang-araw-araw na mga bagong kaso sa buong mundo ay malapit sa record levels.
“We’re making good progress,” sinabi ni Ryan, na napapansin na maraming mga bakuna ay nasa phase 3 na mga pagsubok at wala namang nabigo, sa ngayon, sa mga tuntunin ng kaligtasan o kakayahang makabuo ng isang immune response.
“Realistically it is going to be the first part of next year before we start seeing people getting vaccinated,” sinabi niya sa isang pampublikong kaganapan sa social media.
Nagtatrabaho ang WHO upang mapalawak ang pag-access sa mga potensyal na bakuna at upang makatulong sa pagpapalaki sa kapasidad ng produksyon, sinabi ni Ryan
“And we need to be fair about this, because this is a global good. Vaccines for this pandemic are not for the wealthy, they are not for the poor, they are for everybody,” aniya.
Magbabayad ang gobyerno ng U.S. ng $1.95 bilyon upang bumili ng 100 milyon dosis ng COVID-19 vaccine na dinedebelop ng Pfizer Inc at ng German biotech na BioNTechb kung mapapatunayan na ito ay ligtas at epektibo, sinabi ng mga kumpanya.
Binalaan din ni Ryan ang mga paaralan na mag-ingat sa muling pagbubukas ng mga klase hanggang sa hindi naging kontrolado ang community transmission ng COVID-19. Ang debate sa United States kaugnay sa muling pagsisimula ng eskuwela ay lalong umiigting, kahit na ang pandemya ay lumalawak sa ilang dosesang mga estado.
“We have to do everything possible to bring our children back to school, and the most effective thing we can do is to stop the disease in our community,” aniya. “Because if you control the disease in the community, you can open the schools.”