Matapos ibasura ng Kamara sa botong 70-11 ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa, may mga kilala at sikat ng personalidad ng network, ang apektado ng pagsasara nito, kabilang si veteran broadcast journalist Ces Oreña-Drilon.
Inihayag ni Drilon nitong Huwebes na kabilang siya sa mawawalan ng trabaho dahil sa desisyon ng House committee on legislative franchises sa pamumuno ni Palawan Rep. Franza Alvarez, na tanggihan ang aplikasyon ng network sa botong 70-11.
Nakatakdang magsagawa ang media network ng retrenchment program na magiging epektibo sa Agosto 31, na rito ay mawawalan ng trabaho ang mahigit sa 11,000 sa manggagawa.
Ganito ang pahayag ni Drilon: "This was one of the toughest days I had to face. Telling fellow Kapamilyas that they would lose their jobs by end of August. I lost mine too."
Bukod kay Ces Drilon, apektado rin sa pagsasara ng network ang mga news anchors ng ABS-CBN News Channel (ANC).
Si Drilon ay nagsilbi bilang puno ng ABS-CBN's lifestyle ecosystem at executive editor ng channel's lifestyle block and publication, ANC-X. Siya ay nagsimula sa network sapul pa noong 1989.
-BERT DE GUZMAN