DAHIL sa pagkawala ng ABS-CBN free TV ay lumakas ang online platforms nito dahil ang mga loyalistang forever Kapamilya ay sa iWant nanonood, YouTube Channel at Facebook gamit ang kani-kanilang mga cellphone at laptop.
At dahil dito ay mapapabilis na ang pag-shift ng Kapamilya network sa digital imbes na hanggang 2024 pa sana ang analog bago mag-digital.
Ang existing teleseryes ngayon ng ABS-CBN tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano, Love Thy Woman at A Soldier’s Heart ay sa kadalasan sa iWant na inaabangan bukod sa Kapamilya Channel sa YouTube.
Anyway, isa pang magandang aabangan sa Miyerkoles , Hulyo 15 ay ang Beauty Queens, iWant original series na pagbibidahan ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz.
Si Joel Lamangan ang direktor at kasama rin sina Maris Racal, Miss Universe-Philippines 2016 Maxine Medina, Ross Pesigan, at Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez.
Ka-back to back ng Beauty Queens ang Princess and I na unang teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, susundan ng Forevermore nina Liza Soberano at Enrique Gil.
And to date, ang BL o Boys Love na 2Gether The Series ang pinaka-most viewed ngayon kasama rin ang Hello Strangers, Mga Batang Poz, Malaya, Love Lockdown at Mission Unstapabol.
-Reggee Bonoan