Malakiang ambag ng anumang uri ng musika sa panahon ng pandemya. It drives your stress away. Kaya naman ating bigyang-daan ang three promising artists mula sa Viva Music Group.
Una sa playlist ang Miss Na Miss ng Indie group Wallblossoms. Pangungulila sa mahal sa buhay ang tema ng kanta na ang mensahe ay cleverly hidden within its catchy, groovy and nostalgic rock sound.
Nagkaroon ng collaboration ang rising Pinoy hip-hop artists na si Schumi featuring RIS and esseca sa track ng Sala. Taong 2018 ng ma-post ito sa personal You Tube at SoundCloud accounts at ngayon ay available sa lahat ng digital streaming platforms. Pinaglaruan ang salitang Sala na dalawa ang kahulugan- living room at sin. As the lyric goes: magkakasala na sa sala.
Samantala humugot ng inspirasyon si Angelito sa madalas niyang pagdalaw sa isang kaanak sa provincial jail sa Pampanga. Ito ang nagbunsod para kathain ang Orange.
Ang kulay ay iniuugnay sa uniporme ng bilanggo and healing. Ang R&B pop song ay tungkol sa acceptance at taking accountability.
-REMY UMEREZ