ISANG awitin na minsan nang nagbuklod sa mga Pilipino noong idaos ang Southeast Asian Games noong nakaraang taon ay muling isinulat at niri-arranged ang musika, pinalitan at iniba ang lyrics para maging angkop sa ating napapanahong pagsubok dahil sa COVID-19.
Titled We Heal As One, ating panoorin (ipinalalabas ito madalas sa mga TV networks as station breaks), pakinggan (nai-share na ito sa Facebook at iba pang social media platforms) at pagkunan ng inspirasyon para sa pagkakaisa nating mga Pilipino.
Mula sa mga taong nasa likod ng 2019 Philippine South East Asian Games Opening Ceremony kasama ang ating mga world class Filipino singers, nabuo ang kanta mula sa kani-kanilang mga tahanan.
Ang mga Original Pilipino Music (OPM) artists na nagbigay ng oras nila, (in order of appearance), sina Iñigo Pascual, Julie Anne San Jose, Jed Madela, Pops Fernandez, Mark Bautista, Jamie Rivera, Rita Daniela, Paolo Valenciano, KZ Tandingan, Aicelle Santos, Isay Alvarez, Menchu Launchengco, Ogie Alcasid, Michael Williams, Robert Sena, Alden Richards, Ken Chan, Christian Bautista, Martin Nievera, Sarah Geronimo, Bamboo, Lani Misalucha, Gary Valenciano, Apl de Ap at Lea Salonga.
Music by Maestro Ryan Cayabyab, Title & Lyrics by Floy Quintos, Music Arrangement by Jimmy Antiporda, Music Producer is Eloisa Matias, Music Video Director is Frank Lloyd Mamaril.
Kasama pa rin sa video ang panawagan na suportahan, tulungan at ipagdasal ang ating mga magigiting na bayaning Frontliners. At salamat sa mga gumawa ng music video na ito, ang “We Heal As One.”
-NORA V. CALDERON