EMOSYONAL at intense ang vocal battle na napanood ng viewers nitong nakaraang Linggo sa Centerstage.
Matapos magtuos nina Velle Sigua at Rain Barquin, tagumpay na nagwagi si Rain sa ikatlong pagkakataon kaya siya ang itinanghal na kauna-unahang bida kid na pasok sa Grand Finals ng Centerstage.
Ani Rain, “Sobrang saya ko po na ako ang naging unang Grand Finalist po, at nagpapasalamat rin po ako sa mga judges, sa banda po, at sa bumubuo po ng Centerstage.”
Marami pang bida kids ang magpapamalas ng husay at talento sa pagkanta, kaya dapat abangan ang mga panibagong sasalang sa entablado!
Sino kaya ang susunod na magiging defending champion? At sino pa kaya ang mga tatanghaling Grand Finalists? ‘Wag palalampasin ang Centerstage tuwing Linggo, 7:40 ng gabi, sa GMA-7.
-MERCY LEJARDE