TOKYO (AFP) — Tumaas ang shares sa Japanese firm Fujifilm Holdings nitong Miyerkules matapos sabihin ng Chinese authorities na isang droga na produced ng kumpanya ay maaaring epektibo sa paggamot ng mga pasyente ng novel coronavirus (COVID-19).

Sinabi ng China ministry of science and technology nitong Martes ng gabi na ilang clinical trials ang nakumpleto na sa favipiravir—ang main ingredient sa influenza drug na Avigan, na ibinebenta ng Fujifilm.

Ang trial gamit ang mga gamot bilang treatment para sa COVID-19 ay nagpakita ng “very good clinical results,” sinabi ng isang opisyal sa isang pagpupulong.

Ang trial sa 80 kaso na isinagawan ng isang ospital sa Shenzhen at isang pag-aaral ng 120 kaso na pinamumunuan ng Wuhan University’s Zhongnan Hospital ay kapwa nagpapakita na pinaiikli ng droga ang recovery time para sa mga pasyente.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Mas kilala sa kanyang cameras, dinebelop ng Fujifilm ang Avigan at ini-has licensed ang patent para sa favipiravir sa Chinese company na Zhejiang Hisun Pharmaceutical.

Sinabi ng Japanese firm sa AFP na hindi ito sangkot sa clinical tests sa China, ngunit “as for Avigan, we have received supply requests from several countries while the Japanese government has asked us to study if we will be able to step up production.”

“We are now examining obstacles to be cleared to boost production,” sinabi ng isang spokesman. Ang Fujifilm at ang Chinese licence holder ay nasa “cooperative relationship” ngunit ang Japanese firm ay hindi sangkot production sa China, idinagdag niya.

Ang clinical tests gamit ang Avigan bilang treatment para sa virus ay nagsimula na rin sa also Japan.

Ang coronavirus outbreak, unang lumutang sa China sa huling bahagi ng nakaraang taon, ay mabilis na kumalat sa buong mundo.