WALA pang bagong date na binanggit sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati kung kailan matutuloy ang kanilang kasal mula nang i-announce noong Thursday, March 12 na postpone ang kanilang kasal dahil sa COVID-19.
“As much as we want to celebrate our love with our family and friends, in light of the recent situation we have decided to postpone our wedding as we do not want to put anyone at risk. Thank you so much to those who flew in and to everyone who worked so hard for our special day. We only wish good health for everyone and we hope to celebrate with you as soon as things get better. Much love, Richard & Sarah.”
This Saturday, 6pm., sana ang kasal nina Richard at Sarah sa Shangri-La The Fort at sa Grand Ballroom ng the same hotel din ang reception. Siguradong sa nasabi pa ring hotel ang wedding at reception, hindi pa lang alam kung kailan matutuloy.
Pinuri sina Richard at Sarah sa kanilang ginawa na ipagpaliban ang kanilang kasal at mas inuna ang kapakananan ng mga imbitado at dadalo. Tamang-tama rin ang announcement ng mga ikakasal na postpone ang wedding nila dahil ipinagbabawal ni President Rodrigo Duterte ang mga maramihang pagtitipon ng mga tao para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
-Nitz Miralles