TULUY-TULOY pa rin ang taping ng teleseryeng Ang Sa Iyo ay Akin sa pangunguna nina Ms Maricel Soriano, Jodi Sta. Maria, Sam Milby at Iza Calzado kahit na nagpahayag ng Community Quarantine si Presidente Rodrigo Duterte nitong Huwebes ng gabi. Pinag-iingat din ang buong production para sa Covid 19.

Maricel, Jodi, Iza at Sam

Mismong ang mga artista na ang nagse-self quarantine sa sarili nila kapag may nararamdaman silang hindi maganda sa katawan nila.

At para makaiwas na rin sa COVID-19 ay kinansela na rin lahat ng taga-production ang mediacon/presscon/blogcon para sa mga upcoming digital series, teleseryes at pelikula na ipalalabas na ngayong buwan.

Tsika at Intriga

Anne Curtis, naalarma sa kumakalat na larawan ng Sierra Madre

Anyway, isa ang iWant original series na The Tapes na mapapanood na simula sa Marso 18 (Miyerkoles) na pagbibidahan nina Sam at Yassi Pressman ang wala na ring mediacon.

Gaganap sina Sam at Yassi bilang sina Sonnyboy at Alice, magka-partner na pulis sa isang tahimik na bayan. Mabubulabog ang mga buhay nila sa pagdating ng misteryosong tapes na naglalaman ng nakakagimbal na videos na may kinalaman sa kaso ni Judy, isang babaeng matagal nang nawawala sa kanilang lugar.

Para makahanap ng mga sagot, itatago ng dalawa ang mga tape mula sa mga awtoridad at lihim na iimbestigahan ang bagong ebidensyang natanggap nila. Ngunit sa pagdami ng kanilang matutuklasan dahil sa napapanood sa mga tape, mapapalapit din sila sa madidilim na sikretong pilit na itinatago sa kanilang bayan. Ito ba ay gawa-gawa lang ng isipan o multo ng kanilang nakaraan?

Ano nga ba ang totoong nangyari kay Judy, at sino ang nasa likod ng mga tape?

Ang The Tapes ay idinirek ni Bradley Liew, Malaysian-born at Philippine-based director ng horror film na Motel Acacia na kasalukuyang napapanood sa mga sinehan sa bansa at unang ipinalabas sa 32nd Tokyo International Film Festival. Noong 2016, ipinalabas ang una niyang pelikulang Singing in Graveyards sa Venice International Film Festival.

Kasama rin sa The Tape sina Ricky Davao, Felix Rocco, Perry Dizon, Barbara Ruaro, at Brian Sy, kasama ang special participation ni Cherie Gil.

-REGGEE BONOAN