MAAGA nang naglabas ng announcement ang pamunuan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa postponement ng kauna-unahang 1stSummer Metro Manila Film Festival. Ito ang post nila sa kanilang Facebook wall:
“In light of the worldwide COVID-19 pandemic and health emergency the Summer Metro Manila Film Festival is hereby postponed.
We’ll keep you posted for more updates in the coming days.
Thank you!”
Sa announcement ni President Rodrigo Duterte last Thursday evening, March 12, ang lockdown sa Metro Manila ay magsisimula ng March 15, 2020 at12:01 AM at matatapos hanggang sa April 14 12:00 midnight.
Ang 1st Summer Metro Manila Film Festival ay magsisimula sa April 4, sa pamamagitan ng Parade of Stars sa April 4, 2020 na ang host city ay ang Quezon City, sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte. Ang screening naman ng 8 official entries ay magsisimula naman dapat sa April 11, hanggang sa April 21, 2020.
-Nora V. Calderon