TIYAK na maraming studio audience ang nalungkot sa biglaang anunsyo ng ABS-CBN na hindi muna sila tatanggap ng live audience para sa mga programa nilang ASAP Natin ‘To, Its’ Showtime, Magandang Buhay, Banana Sundae at I Can See Your Voice dahil pinag-iingat para sa COVID 19.

Base sa released ng ABS-CBN management kahapon, Marso 10:

“ABS-CBN has decided to temporarily stop admitting studio audience to its shows starting today (10 March 2020), following the government’s declaration of a state of public health emergency. The affected TV programs include It’s Showtime, Magandang Buhay, Banana Sundae, I Can See Your Voice, ASAP Natin ‘To, and I Want ASAP.

“The safety and well-being of our studio audience, artists, crew, and production teams are of utmost importance to us and we are taking this option for their protection. We feel that it is our shared responsibility to help in preventing the spread of the COVID-19.

Tsika at Intriga

Anne Curtis, naalarma sa kumakalat na larawan ng Sierra Madre

“Thank you Kapamilya for the support, understanding, and patronage of our shows.”

Maraming kababayang Pinoy ang uuwi ngayong summer at ang iba sa kanila ay may reservations na para manood ng Showtime at ASAP.

Nagpadala ng mensahe sa amin ang kakilala naming taga-Canada at Amerika na nalungkot sila sa nakarating na balitang suspendido ang live audience, ito pa naman daw ang nilo-look forward nila sa kanilang pag-uwi na makita ang mga paborito nilang artista at mahagip sila sa TV camera na hoping makita ng mga kaanak na may TFC.

Ito lang daw kasi ang kaligayahan ng kababayan nating TFC subscribers na kapag uuwi sila ng Pilipinas ay makapunta sa ABS-CBN studio para manood ng live shows.

-REGGEE BONOAN