“GORGEOUS” ang description kay Sanya Lopez nang mga nasa Smart Araneta Coliseum at mga nakapanood ng PBA Opening. Muse si Sanya ng Brgy. Ginebra San Miguel at totoo namang maganda at sexy ang aktres sa PBA Opening.
Si Sanya ang Calendar Girl ng Ginebra, kaya sa mga nagtatanong kung bakit siya ang muse, ayan ang sagot. Hindi naman dehado ang Ginebra San Miguel kay Sanya dahil sumabay at lumaban siya sa ibang mga muse na karamihan ay beauty queen.
Kabilang sa mga muse sina Sarah Geronimo na muse ng Phoenix Fuel Masters, si Kathryn Bernardo na muse ng Magnolia Hotshots, Ariella Arida na muse ng TNT KaTropa at Alyssa Muhlach na muse ng San Miguel.
Speaking of Sanya, kasama siya ni Sen. Bong Revilla sa series ni Bong na Agimat ng Agila at dito, patutunayan ni Sanya na pwede rin siya sa pang-General Patronage na show. Bata ang target audience ng series sa direction ni Rico Gutierrez.
-Nitz Miralles