IPINAMAHAGI kamakailan ng Department of Agriculture (DA) ang nasa kabuuang P26.5 million halaga ng iba’t ibang makinarya at kagamitan sa mga benipisyaryong samahan ng mga magsasaka sa CARAGA Region.

Ang ipinamahaging mga kagamitan ay bahagi ng tulong na mandato sa ilalim ng Republic Act 11203 o ang Rice Tariffication Law (RTL), ayon kay DA 13 (Caraga) Executive Director Abel James Monteagudo, na siyang nanguna sa pamamahagi sa regional agriculture office.

“You are now receiving the fruit of the implementation of (the) RTL. The rice tariff revenues are allocated to programs that will make CARAGA rice farmers globally competitive,” ani Monteagudo. “Rest assured that more interventions are coming and sooner will be realized. We just need your support and your cooperation.”

Aniya, ang paglalabas ng mga makinarya at kagamitang pansaka ay bahagi ng P350-million budget, na partikular na inilaan para sa mga farm implement, na nakapagbigay benepisyo sa 280 samahaan at kooperatiba ng mga magsasaka sa CARAGA.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Pagbabahagi ni Monteagudo, kabilang sa mga ipinamahaging kagamitan, ang mga mechanical rice transplanters, four-wheel-drive tractors, rice combine harvesters, hand tractors, rice threshers, rice reapers, seed spreader, at pump and engine set.

Binigyang-diin din niya na sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na mandato sa ilalim ng RTL, nasa P520 million tulong, kabilang ang mga aid, machinery, seeds, credit and training, at extension services, ang inilabas para sa mga masasaka ng rehiyon noong nakaraang taon.

Ang credit assistance para sa mga magsasaka ay ipinatupad sa ilalim ng Agricultural Credit Policy Council at katuwang ang Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines sa pamamagitan ng Expanded Survival and Recovery Assistance (SURE-Aid) Program.

Sa tala ng DA, lumalabas na 6,596 magsasaka mula sa mga probinsiya ng Surigao del Sur, Surigao del Norte, Agusan del Sur, at Agusan del Norte, kabilang ang Butuan City, ang nakatanggap na ng benepisyo mula sa SURE-Aid program noong nakaraang taon.

Dagdag pa ni Monteagudo, namahagi rin ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa Agusan ng hiwalay na P65.5 million halaga o katumbas ng 86,243 sako ng

inbred rice seeds sa 34,258 magsasaka ng Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, at Surigao del Sur noong panahon ng pagtatanim ng Nobyembre hanggang Disyembre, 2019.

Kabilang naman sa nakatanggap ng mga makinarya ang Indigenous Peoples (IPs) from Agusan del Sur.

PNA