Sa media launch ng Viva Live ng Playlist 2: The Best of OPM, present ang performers na famed soloist ng malalaking banda sa Pilipinas -- sina Wency Cornejo ng AfterImage, Joey Generoso ng Side A, Jinky Vidal ng Freestyle, Meds Marfil ng True Faith at ang This Band.

Wency

Nakakatuwa si Wency dahil siya agad ang unang nagsalita sa grupo at pinangunahan ang press na pasensiya na raw dahil madaldal siya. Sinabi na rin niya agad na kung may napapansin daw sa kanya, sa kanyang pagsasalita, dahil mayroon siyang Bell’s Palsy.

“Maybe you’re wondering why I’m like this, meron akong Bell’s Palsy,” sinabi ni Wency. “But I’m recovering now. Kaya hiling ko lamang, lubos na akong magaling sa April 3, sa aming concert. Birthday ko sa April 2, kaya sana maging birthday gift na iyon sa akin.”

Mister ni Small Laude, itinanggi pagkakadawit sa mga ilegal na gawain

Playlist 2 performers

Hindi ba siya nahihirapang kumanta? “Medyo mas mahirap nang konting kumanta. May mga words, vowels na hindi ko masyadong ma-pronounce. Pero one month na rin nang mangyari sa akin at nakapag-show na rin naman ako nang ilang beses, so okay naman. Mas mahirap lang nang konti kaysa dati, pero nakaya ko naman. Kaya mas gusto kong mag-perform, mahal ko ang music.”

Bale si Wency ang bagong dagdag na performer sa Playlist 2, na kasama pa rin sina Jay Durias, Nina at Janine Tenoso. Magandang panoorin ang concert nila sa April 3, sa Smart Araneta Center dahil kakantahin nila ang songs ng mga kasama nilang singers. Biruan nga nila, pinakamahirap daw kantahin ang songs ni Joey G.

Pero hindi raw mawawala ang mga repertoire nilang tiyak na hahanapin ng audience. Tulad ng songs ni Joey G na Forevermore, So Many Questions, Wency’s Habang May Buhay, Next in Line; Jinky Vidal’s Before I Let You Go at So Slow; Jay Durias ng South Border with Rainbow, Kahit Kailan; Nina’s Love Moves in Mysterious Ways, Someday; Meds’ Perfect, Huwag Na Lang Kaya, Muntik Nang Maabot Ang Langit. Si Janine, ang Muli and Tag-Araw at ang This Band na nagpasikat ng Kahit Ayaw Mo Na at Hindi Na Nga.

Isang produksiyon ng Viva Live, Inc. ang palabas ay ididirek ni JP Panizales kasama si Jay Durias bilang musical director. Presented by Frontrow at Scratch It. Major sponsor ang Phoenix Super LPG, minor sponsor ang Tempra.

-NORA V. CALDERON