Mainitngayon ang balitang nagkaroon ng gulo sa civil wedding nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa isang luxury hotel sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Ayon sa mga ulat, sinuntok ni Matteo ang isa mga close-in security ni Sarah na si Jerry Tamara nang ibalita nito sa ina ng singer-actress ang tungkol sa nagaganap na sekretong kasal.
Ibig sabihin, hindi alam ni Mommy Divine o baka pati ng ama ni Sarah na may magaganap na civil wedding that night. Tila gustong kausapin ni Mommy Divine si Sarah bago ito magpakasal.
Matagal nang nababalita na nagsimula sa blind item na hindi pabor si Mommy Divine sa pagpapakasal ng anak na si Sarah kay Matteo kahit 31 years old na ang anak.
Ibig sabihin din, hindi imbitado si Mommy Divine at ang ibang family members ni Sarah sa civil wedding nila ni Matteo. Naku, lalo nitong hindi dadalo si Mommy Divine sa kasal nina Matteo at Sarah sa Italy sa March 14 ba o March 28.
Ang sabi, ang pamilya ni Sarah ang nag-hire ng security guard para bantayan si Sarah, kaya may rason na magsumbong ito sa ina ni Sarah na may kasalangmagaganap that night dahil parents ni Sarah ang nagpapasweldo sa kanya. Nagreklamo na sa Taguig City police si Tamara.
-NITZ MIRALLES