INANUNSIYO na nitong Huwebes, nang Binibining Pilipinas Charities, Inc. 40 official candidates para sa Bb. Pilipinas 2020 beauty pageant.

vickie

Kabilang sa mga opisyal na kandidata sina: Maureen Montagne, Honey Grace Cartasano, Patricia Garcia, Hannah Arnold, Maria Francezka Taruc, Maria Ruth Quin, Honey Parrenas, Carina Carino, Samantha Panlilio, Gabrielle Camille Basiano, Kimberly Tiquestiques, Justine Felizarte, Jasmine Dimaculangan, Czarina Joy Guiao, Frances Guanzon, Noriza Valerio, Mercedes Pair, Hazel Joy Ortiz, Vickie Rushton, Samantha Bernardo, Alexandra Rosales, Vianca Marcelo, Bellatrix Tan, Meiji Cruz, Karen Mendoza, Cinderella Obenita, Shanon Tampon, Anna Thea Cenarosa, Lovely Mercado, Arainne Vairdo, Alexandra Faith Garcia, Micca Rosal, Patricia Babista, Lesley Ann Ticaro, Alexandra Salvador, Rowena Sasuluya, Lois Anne Badando, Shaira Marie Rona, Danica Joy Acuna, at Graciella Lehman.

Present naman sa announcement ng official candidates ang mga miyembro ng selection committee at reigning Binibinis.

Ayaw pahalata? Hirit ni Vice Ganda, pamilya ng mga politiko 'di nag-shopping noong holiday

Isa naman sa mga nagbabalikn sa pageant sina Vickie Rushton, first runner-up ng Bb. Pilipinas 2018; Samantha Bernardo, 2nd runner-up ng Bb. Pilipinas 2018; Hannah Arnold, Patricia Garcia; at Alexandra Faith Garcia.

Samantala, ang Filipino-American na si Maureen Montagne ang naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Eco International 2019 matapos koronahan sa Miss World Philippines 2018 contest.

Wala pa namang petsa na binanggit para sa grand coronation ng Bb. Pilipinas 2020 pageant.

Ito naman ang unang pagkakataon na hindi kasama sa mananalo sa Binibining Pilipinas beauty contest ang magiging kinatawan ng bansa para sa Miss Universe.

Habang inaasahang sa grand coronation na rin iaanunsiyo ang mga titulong paglalabanan sa finals.

Nasa higit 70 kababaihan ang sumubok na makapasok sa opisyal na listahan ng mga kandidata ng pageant ngayong taon.

Samantala, nagpasalamat naman si Stella Marquez Araneta, chair, Bb. PIlipinas pageant, sa mga kababaihan na sumubok sa pageant ngayong taon.

“I know some of you have come from far places. Some of you even sacrificed your family just to compete in this pageant. Thank you so much,” ani Mrs. Araneta.

-Robert R. Requintina