Dahil sa success ng Momol Nights movie sa iWant na idinirek at prinodyus ni Benedict Mique for Lonewolf Productions ay may follow-up 4-part series ang edgy romcom na ang titulo ay Fluid na pagbibidahan nina Roxanne Barcelo, Joross Gamboa, Al Tantay, Ann Colis at Janice de Belen.

FLUID1

Batay sa kuwento, magkasintahan sina Roxanne at Joross pero naghiwalay dahil nangaliwa ang huli at nakilala ng una ang beauty queen na si Binibining Pilipinas Globe 2015 at International model na si Ann Colis na pumapatol sa kapwa babae.

Ang ideya ay nabuo ni direk Benedict noong nagtuturo siya sa isang exclusive school for girls na napansin niya na karamihan ay nasa girl to girl relationship at masyado nang open lalo na sa showbiz industry kaya naisip niya na magandang gawan ng series.

KILALANIN: Sino si Denise Julia na inireklamo ni BJ Pascual?

Kuwento ni direk Benedict, “The whole February will gonna shoot the series and by March ipapalabas na ito sa iWant, excited for this project kasi first time ni Roxanne for iWant na she really wants and for Ann na first time acting.”

Tinutukso ni direk Benedict si Roxanne dahil ito ang sexiest at most daring role niya at para mapapayag ang aktres ay nilasing nila.

“Oo kasi girl to girl so para mapapayag siya (Roxanne), nilasing muna namin, si Ann naman hindi nalasing pero payag siya,” tumatawang sabi ng direktor.

Ang grupong gumawa ng Momol Nights nina Kit Thompson at Kim Molina ang nasa likod din ng Fluid.

“It’s a fun story kasi same world ng Momol, same edginess, we will start actually with the film with the Momol cast. One of the cast ng Momol, magko-cross over (sa Fluid) which is si Wings, si Ihman Vera, na maganda na bastos ang bunganga na liberated. Tatalon siya kasi she’s one of the friends of Roxanne. Sinadya namin na this is the same world of Momol and iWant recognize the edgy, modern and very liberating concept so this is the follow up of Momol Nights, actually,” pahayag ng direktor.

Ano naman ang masasabi ni Roxanne sa karakter niya?

“Sobrang daming thoughts, reading the script, wow amazing script ang ganda ng flow and inspiring to explore. Inspired ako to explore tapos nalaman kong si direk, oh my gosh, award winning (Cinemalaya Best Film for ML), bongga ang mga pelikula niya at napag-uusapan at ang galing ni direk, I’m happy looking forward to work with him. At kinakabahan ako with the capital K,” ani Roxanne.

Bagama’t dating nang gumaap bilang lesbian sa telebisyon si Roxanne ay ibang-iba ang gagawin niya ngayon dahil may physical contact, kaya kabado siya.

Si Ann na unang beses sumabak sa acting ay excited din. “Actually looking forward to learn something ‘coz obviously I’m lucky that I’m working with an award winning director, and Roxanne been here for a long time in the industry and I’m really grateful that I’m part of the cast,” aniya.

Paano napapayag si Ann sa love scene nila ni Roxanne gayung unang beses niyang gagawin ito sa harap ng kamera.

“I trust direk, we talked about it and we gonna take it in a tasteful way in an exciting way so, yeah I’m looking forward to that,” say ni Ann.

Diretsahan naming tinanong si Ann kung may experience na siya being fluid.

“Personally I’ve been only with men and I have a lot of friends who is in the same sex relationship and if I’m given the same opportunity to be happy in my life just like that, why not?”opinyon ng dating beauty queen.

Nagulat naman si Roxanne sa sagot ni Ann, “fuck! Beauty queen, ha, ha, ha, ha.”

Paliwanag ni Ann “it’s a matter of accepting kasi which is nice.”

Nagkatawanan ang lahat sa reaksyon ni Roxanne at mas lalong naloka ang ilang entertainment press/bloggers at TV reporter sa pahayag ng aktres.

“Ako naman, 9 years ako sa all-girls school, hindi pa ako nagkaroon ng girlfriend pero ang dami kong barkada, beshie ko. Kung baga for me like Ann I’ve always ‘yung mga jows (jowa) ko are men. And bata palang kasi ako nakakita na ako o naka-sight na ako ng anik at pagka-sight ko, I knew what I want it,” pabaklang kuwento ni Roxanne.

At inamin ni direk Benedict na “hubo’t hubad sila sa love scene nila rito.” Nanlaki ang mga mata nina Roxanne at Anne.

Sabi kaagad ng direktor, “siyempre hindi naman ipapakita ang nipples at ‘yung baba.”

Kaya abangan ang Fluid na tiyak na pag-uusapan na naman ito tulad ng Momol Nights.

-REGGEE BONOAN