MATAPOS maibahagi sa Twitter ang kanilang dance practice video ay bigla nang nagbago ang takbo ng kanilang kapalaran. Nagdala ito ng hindi inaasahan at biglaang tagumpay na nadulot ng pagsulong ng higit 500,000 subscribers sa Youtube, pagtaas ng isang daang libong followers sa kanilang mga opisyal na social media accounts at kabuuang higit sa 5.5 milyong views sa kanilang opisyal na mga music videos (Tila luha at Go Up). Lahat ng ito ay waring panaginip lamang dahil sa biglaang pagsikat overnight.

SB19

Ang SB19 ay ang kauna-unahang Filipino boy group na sumailalim sa Korean training system under ShowBT Philippines. Ang ShowBT Philippines ay ang kapilas ng ShowBT Corporation na itinatag sa South Korea noong 2003 at nagtayo sa Pilipinas noong 2015. Sila ay all-around performers na kayang kumanta at sumayaw ng iba’t ibang uri ng genres, magsulat at gumawa ng kanilang sariling musika at choreography. Kahit maraming pagkakaiba ay kaya nilang mag perform ng plakado onstage. Sila rin ay tuloy tuloy na nagsisikap upang maging mas mahusay na artists.

Ang “SB” sa SB19 ay “Sound Break,” na ang kahulugan ay ang pagnanais nilang pumasok sa Philippine Music Scene sa pamamagitan ng kanilang fresh style and unique brand of music. Samantalang ang “19” naman ay nakarepresenta sa henerasyon ng mga millenials or Gen Z at pagpapakita ng magandang relasyon sa pagitan ng South Korea at Philippines sa uri ng area code ng dalawang bansa na (82) at (63).

Anton Vinzon, Rave Victoria lumabas na sa Bahay ni Kuya

-MERCY LEJARDE