BIGGEST break ni Prince Clemente ang Descendants of the Sun dahil hindi lang siya guest at hindi rin siya magka-cameo dahil kabilang siya sa second lead ng bagong teleserye ng GMA-7 na magpa-pilot sa February 10.

“Nag-audition ako at ang dami naming nag-audition that day. After the audition,

ang sabi sa akin, i-inform na lang ako kung nakapasa ako sa audition. Sabi ko sa manager ko, gusto ko kahit anong role at ang payo niya sa akin, mag-pray ako. Wala akong natanggap na pasabi na natanggap ako, kaya ang akala ko hindi ako nakapasa sa audition. Kaya nang makuha ko ang role ni Sgt. First Class Randy Katipunan o Picollo, sobra ang saya ko, sobra akong na-overwhelmed. Sino ba naman ang hindi ma-o-overwhelmed sa laki ng project,” sabi ni Prince.

Ibinigay pang rason ni Prince kung bakit gusto niyang mapasama sa cast ng DOTS ay ang makatrabaho sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado at madirek ni Dominic Zapata.

Tsika at Intriga

'My body is at its weakest but my spirit is still fighting!'—Kris Aquino

Kaya sa two days training nila, kahit nahirapan, hindi nagreklamo si Prince at nag-enjoy pa nga siya. Sa actual taping, hindi pa rin siya makapaniwala na kasama siya sa DOTS at nang ipalabas nga ang pilot episode sa mediacon, tuwang-tuwa siya na mapanood ang sarili sa role ng isang military.

Naikuwento ni Prince na idol niya si Dingdong kahit noong wala pa siya sa showbiz at lalo siyang humanga sa aktor after working with him dito sa DOTS.

“Hindi ko ini-expect na humble siya at para siyang kuya naming members ng Alpha Team. Kahit walang taping, kapag libre kami, lumalabas kami para lang mag-bonding. Hindi ako nagkamali na naging idol ko si kuya Dingdong,” pagtatapos ni Prince.

Kasama nga si Prince sa Alpha Team na pinamumunuan ni Dingdong at karamihan sa eksena niya, kasama si Dingdong na gumaganap na si Big Boss. Ang saya ni Prince na hindi lang co-actor niya si Dingdong sa DOTS, nakahanap pa siya ng kuya sa showbis.

-Nitz Miralles