MULING nabawi ng GMA Network ang pagiging number one sa nationwide TV ratings nitong unang buwan ng 2020, batay sa inilabas na latest data ng Nielsen (batay sa overnight data ang Enero 26 hanggang 31).

Ayon sa Nielsen, panalo ang GMA sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) sa naitalang 34.7 percent average total day people audience share laban sa 31.7 percent ng ABS-CBN.
Bunga ito ng pamamayagpag ng GMA sa lahat ng dayparts, lalo na sa afternoon block. Tumaas pang lalo ang lamang ng Siyete sa Urban Luzon at Mega Manila na kinaroroonan ng 72 at 57 percent ng urban viewers sa bansa.
Umabot sa 36.7 percent total day people audience share ng GMA sa Urban Luzon, pinataob ang Dos na nakakuha naman ng 29.1 percent. Umabot naman sa 37.1 percent ang nasungkit ng GMA sa Mega Manila, daig ng 10 puntos ang 27 percent ng ABS.
Hindi pa rin natitinag sa pagiging pinakapaboritong panoorin ng mga Pilipino ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Simula pa noong 2019, KMJS ang landslide winner bilang number one show nationwide.
Bukod sa KMJS, ang iba pang paboritong panoorin ng televiewers nitong Enero ay ang Magpakailanman, 24 Oras, Pepito Manaloto, Daig Kayo ng Lola Ko, Daddy’s Gurl, The Gift, Beautiful Justice, Amazing Earth, One of the Baes, Prima Donnas, Eat Bulaga, Kapuso Movie Night, 24 Oras Weekend, Magkaagaw, Wowowin, Bubble Gang, Madrasta, Tadhana, at Imbestigador.
-DINDO BALARES