TIKOM ang bibig ni Ms Veronique del Rosario-Corpus, namamahala sa Viva Artist Agency kung saan naka-exclusive contract si Nadine Lustre, tungkol sa pag-alis ng aktres sa kanila.

viva bosses

Binalaan kasi ang Viva executive ng kanilang abogado na huwag magsasalita o magbibigay ng anumang opinyon tungkol dito lalo’t baka mauwi ito sa demadahan.

Sa ginanap na Viva Vision 2020 nitong Martes nang gabi sa Novotel, Araneta City ay inamin ni Boss Vic del Rosario na nakahanda naman sila anumang legal battle na kakaharapin nila tungkol kay Nadine at nabanggit ding may pitong pelikulang nakatakdang gawin pa ang aktres kanila.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

“Actually may seven movies pa siyang naka-kontrata ng exclusive. ‘Yung Miracle (in Cel No.7) tinanggihan niya, eh, so napalitan siya ni Bela (Padilla). Dapat sa kanya ‘yung role na ‘yun so mabuti naman at tinanggap ni Bela. So, meron pa kaming ino-offer pang iba,” pahayag ng Viva honcho.

Paano kung tanggihan ulit ni Nadine ang mga bagong pelikulang iaalok.

“Sa kontrata naman puwede siyang mag-No. ‘Yung kontrata namin puwedeng mag reject ang artist kapag hindi nila type. Pero ang bawal ay ‘yung bawal lumabas sa ibang (movie outfit),” diin ni boss Vic.

Marami ang nanghihinayang sa desisyong ito ni Nadine dahil ang dami pala niyang projects sa Viva Films na siya lang ang tumatangging gawin ito samantalang ang daming naghihintay na contract artists din ng movie outfit na mabigyan sila.

-REGGEE BONOAN