Umaasa ang Commission on Human Rights (CHR) na maitataas ang age of sexual consent sa 16-anyos sa pagpahayag nito ng buong suporta sa pagpasa sa House Bill No. 4160.

Itataas ng nasabing panukala ang pagtutukoy ng krimen na statutory rape mula sa kasalukuyang edad na 12 taon gulang sa 16. Kaya’t kahit na ang biktima ay pumayag na makipagtalik, makakasuhan pa rin ang suspek kapag ang biktima ay wala pang 16.

Ipinaliwanag ni CHR spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, sa isang pahayag na ang 12-anyos ay wala pang maayos na pananaw kaugnay sa sex, kayat kailangan silang protektahan ng pamahalaan laban sa mga mapagsamantala.

“Adolescents and young teenagers lack the emotional, physical, and psychological maturity to make informed decision about sex,” aniya. “The crucial, formative years of adolescence can be confusing and daunting. Yet, the existing law expects children age 12 to be discerning when it comes to sex. This makes them easy prey for sex offenders.”

Idinagdag ni De Guia na ang panukalang batas ay “long overdue” dahil inihayag ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) na ang Pilipinas ay may pinakamababang age of sexual consent. Ang global average ng sexual consent ay 16.

Bukod dito, ang kasalukuyang age of sexual consent ay hindi consistent sa legal age na mayroong access sa reproductive health. Nagbabala si De Guia na ang inconsistency na ito ay maaaring maghantad sa mas maraming kabataan sa unplanned pregnancies at sexually transmitted diseases.

Iniulat ng UNAIDSna ang bilang ng HIV infections sa Pilipinas ay humigit sa doble sa nakalipas na anim na taon. Nakalulungkot na ang Pilipinas ay idineklara na ngayon bilang bansa na may pinakamabilis lumagong epidemya ng HIV sa Asia at sa Pacific.

Inilahad sin sa survey na ang bilang ng mga Pilipino, kapwa babae at lalaki, na nakipagtalik bago sumapit sa 18 anyos ay tumaas ng 23 porsiyento noong 2013 mula sa nakalipas na 13 porsiyento noong 1994.

“Children are at risk everyday because of archaic laws,” diin ni de Guia. “Heightened urgency is expected to ensure their protection. Laws that genuinely protect them from the ever-changing, volatile, and open world need to passed immediately and eventually enforced resolutely.”

-Czarina Nicole Ong Ki