SINIMULAN na ng Pilipinas ang paunang hakbang upang makapagtatag ng diplomatikong ugnayan sa Kingdom of Bhutan, kinumpirma ng Department of Foreign affairs (DFA) nitong Martes.

“The Philippines has been keen to establish diplomatic relations with the Kingdom of Bhutan and has indicated this interest for some time,” pagbabahagi ng DFA sa Philippine News Agency (PNA).

Nitong Disyembre, nakipag-usap si DFA Assistant Secretary Meynardo Montealegre kay Bhutan Foreign Minister Tandi Dorji at iprinisinta ang isang liham mula kay Secretary Teodoro Locsin Jr., na naglalahad ng kagustuhan ng bansa na makapagtatag ng diplomatikong ugnayan sa Bhutan.

“The establishment of diplomatic relations is a process that entails sustained contacts and discussions between both sides. The recent mission of the Department of Foreign Affairs to Thimpu is an important and significant step in moving forward this priority undertaking,” ayon pa sa pahayag.

Sa kabila ng kawalan ng diplomatikong ugnayan ng dalawang bansa, napanatili ng Manila ang magandang ugnayan kay Thimphu lalo’t nagkasama ang dalawa sa praktikal at teknikal na kooperasyon sa nakalipas na mga taon.

Sa nakalipas, sinabi ng DFA na naging bukas ang bansa sa pagtanggap ng Bhutanese officials on missions para sa pagsasabay o pagbabahagian ng mga magagandang gawain.

“Formal relations between the Philippines and Bhutan can only promote further amity, goodwill, and cooperation between two countries with great affinity and much to learn from each other, not only as Asian neighbors but also as nations that rank high in happiness indices,” diin nito.

Tinaguriang happiest place on earth, dati na itong pinupuri paea sa Gross National Happiness index, isang konsepto na sumusukat sa pag-unlad ng South Asian country sa pamamagitan ng pagbibigay ng pantay na pagpapahalaga sa non-economic aspects ng buhay.

Taong 1971 nang maging miyembro ng United Nations ang Bhutan. Hanggang sa kasalukuyan, pinananatili nito ang diplomatikong ugnayan sa 53 bansa.

PNA