INILUNSAD na ng The Department of Health (DOH) kamakailan sa San Jose, Tarlac, ang implementasyon ng Universal Health Care (UHC) na layong makapaghatid ng dekalidad, magaan at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa lahat ng Pilipino.

Pinangunahan ng DoH, katuwang ang probinsiyal na pamahalaan ng Tarlac at Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), ang UHC sa Jose V. Yap Sports and Recreational Complex bilang pagtupad sa itinakda ng Republic Act No. 11223, o ang Universal Health Care Law of 2019.

Sa kanyang mensahe, binanggit ni DoH regional director Cesar Cassion, ang kahalagahan ng malakas at tulong-tulong na pagsisikap upang makamit ang hangarin ng universal health care.

“Everyone has an important role as an agent of change,” pahayag ni Cassion kasama ng panawagan para sa higit pang suporta mula sa mga stakeholders at partners.

Aniya, nararapat lamang na ang isang health care system ay tama, sapat, at nakaagapay sa sitwasyon at pangangailangan ng mga mamamayan.

Nangako naman si Governor Susan Yap, ng buong suporta para sa pagpapatupad ng

Universal Health Care Act.

“We will be working on the health programs and ensure that all rural health units are at par. We will be strengthening the primary health care by improving our existing barangay health stations,” anito.

“Our objective is to better our health services, fill in the gaps—in terms of budget allocation, human resources—and improve service delivery. We are going to put higher standards in our health services,”dagdag pa nito.

Nagsilbing oryentasyon din ang paglulunsad ng UHC, para sa mga local chief executives, health professional groups, at sangkot na non-government organizations kung paano ipatutupad ang batas.

Ipinaliwanag ng PhilHealth representative kung paanong magiging libre ang serbisyong medikal sa ilalim ng UHC policy.

Sa ilalim ng batas, bawat Pilipino ay itatalaga sa isang primary care provider (health worker) na siyang unang contact ng health care.

Ang mga primary care providers ang maghahatid ng libreng serbisyong mediaal at aagapay sa pasyente para sa iba’t ibang health care facilities.

Lahat ng mga Pilipino ay awtomatikong magiging miyembro ng PhilHealth habang ang mga direct o indirect contributors ay makakasama sa to No Balance Billing kapag na-admit sa ospital.

Sa UHC, inaasahang makakamit ang pinakamainam at dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa pamamaitan capacity-building ng human resources para sa kalusugan at mas pinaunlad na access sa medisina at iba pang medikal na pangangailangan.

PNA