LIBRENG tutorial para sa mga boluntaryong guro na nagsisilbi sa rehiyunal na pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang inilunsad kamakailan upang pumasa ang mga ito sa Licensure Examination for Teachers (LET).

Pinangunahan nina Minister Mohagher Iqbal ng Ministry of Basic and Higher Technical Education at lawyer Lanang Ali Jr., BARMM member of parliament,ang pagbubukas ng programa para sa LET review sa Shariff Kabunsuan Cultural Center nitong Biyernes.

Bahagi ng unang batch ng mga benepisyaryo ng month-long free review, sa ilalim ng Good Shepherd Review Center, ang nasa 600 volunteer teachers na nakatalaga sa Maguindanao.

Nakatatanggap lamang ang mga volunteer teachers ng monthly allowance mula sa BARMM.

Ayon kay Iqbal, isang katulad na review sessions sa mga bayan ng Daut Odin Sinsuat at Parang, Maguindanao; Pikit, North Cotabato; at Tacurong City, Sultan Kudarat.

Dagdag pa niya, pangunahing layunin ng programa na makakuha ang mga volunteers at provisional teachers ng kanilang lisensiya na itinatakda ng Civil Service Commission.

PNA