ISANG bagong kampanya hinggil sa kahalagahan ng Holy Baptism ang inilunsad nitong Linggo, sa St. John the Baptist Church, ang parokyal na pangalan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church.

Sa isang pahayag nitong Sabado, sinabi ng church-run Radio Veritas na itatampok sa nationwide “Holy Birth Day” campaign ang espesyal na pagbibinyag sa 12 sanggol mula sa pinakamahihirap na lugar sa Maynila, kasabay ng Feast of the Lord’s Baptism.

“The campaign seeks to promote the celebration of one’s Baptismal Day alongside one’s yearly celebration of his/her birthday or Natal Day,” pahayag nito.

Pinangunahan ang baptism rites ni Rev. Teodoro Bacani, DD, na dinaluhan ng iba’t ibang sikat na personalidad sa larangan ng entertainment at sports, kabilang si Ai-ai delas Alas, na siyang ninang ng mga bata.

Idinaos ito sa Basilica mula 1:15 ng hapon hanggang 2 ng hapon.

“Such comprehensive undertaking dubbed as Holy Birth Day (Baptismal Day) seeks to promote the awareness and celebration of this most significant day in the life of a Filipino Catholic, which covers almost 80.6 percent of the country’s current population.”

Kapag nabinyagan, ang isang Katoliko ay “freed from sin and reborn as sons and daughters of God and (is) incorporated into the church founded by Christ and made sharers in her mission,”pagtatapos ng Veritas.

Idinaos ang kampanya ilang araw matapos ang Translacion kung saan nasa apat na milyong deboto ang nakilahok sa taunang prusisyon mula sa Quirino Grandstand patungo sa Basilica, Quezon Boulevard sa Maynila.

Ayon sa opisyal ng Simbahan ng Quiapo, makasaysayan ang naging prusisyon ngayong taon ng Itim na Nazareno, lalo’t inabot lamang ito ng 16 na oras.

Noong 2019, nagtapos ang Translacion makalipas ang 21 oras.

PNA