NAIS ni Magdalo Para sa Pilipino partylist Rep. Manuel Cabochan III na pababain ang educational requirement para sa mga nais magpulis upang mapunan ang “insufficient” na bilang ng kapulisan sa bansa.

Sa ilalim, aniya, ng Republic Act No. 8551, o Philippine National Police Reform and Reorganization Act of 1998, tanging mga college graduates lamang ang maaaring makapasok sa pagpupulis at maaaring maging miyembro ng PNP.

“This particular provision presents downsides on the pool of applicants that could be recruited and on the force organization of the PNP. Since only college graduates are qualified to join the police force, many undergraduate applicants are stripped of the opportunity to become part of the organization and be able to serve and protect the countrymen,” pahayag ni Cabochan.

Inihain niya ang House Bill No. 5746 na naghahangad maamyendahan ang Sections 14 at 15 ng RA 8551 upang mapababa ang educational requirement para sa mga police applicants.

Aniya, hindi sapat ang puwersa ng pulisya upang mapunan ang lahat ng tungkulin nito.

“A whole lot of personnel are needed, in particular, for manuever units. Then, it would be a favorable solution to allow recruitment of undergraduate applicants,” pahayag pa Cabochan.

“Having 72 collegiate units, along with necessary rigorous training upon recruitment, would already be enough to acquire the basic competencies needed,” aniya.

Saad pa ng kongresista, hangad rin ng panukala na mapalakas ang “playing field” ng mga indibiduwal na walang kakayahan na makapag kolehiyo.

“This intends to solve the problems of having insufficient police force, and also, making the recruitment process for police officers and non-officers to be more inclusive,” aniya.

Nasasaad sa House Bill 5746 ang pagtatalaga ng officer at non-officer maliban sa mga matatalaga sa manuever units, kailangang ang mga aplikante ay nakapagtapos nang hanggang ikalawang taon ng kolehiyo o katumbas ng 72 collegiate units.

Kapag natapos nila ang baccalaureate degree, may opsyon sila kung lilipat sila sa iba pang unit.

Sa ilalim rin ng panukala, maaaring matanggal ang “age, height, at weight requirements” para sa inisyal na pagtatalaga kung ang bilang ng mga nakapasa ay mababa sa minimum annual quota

-CHARISSA M. LUCI-ATIENZA