GINUGUNITA ng mga Katoliko ngayong araw, Enero 3, ang Kapistahan ng Banal na Pangalan ni Jesus, na kasunod ng pagdiriwang ng kapanganakan ng ating Tagapagligtas na si Hesukristo, bilang parangal sa pangalang “Jesus,” na nangangahulugang “God saves.”

Bilang pagdiriwang sa kapistahan, ang Simbahang Katoliko, na iniaalay ang buwan ng Enero sa Banal na Pangalan ni Jesus, ay hinihikayat ang mga mananampalataya na mag-alay ng novena prayers, bumisita sa Adoration Chapel, at dasalin ang Litany of the Most Holy Name of Jesus.

Sinabi ng mga lider ng Simbahan na ang Kapistahan ng Banal na Pangalan ni Jesus ay nagsisilbing “reminder of the countless blessings that we continue to receive from the Holy Redeemer every day of our lives. We should invoke the name of Jesus with confidence and always keep in mind His promise, ‘If you ask the Father anything in my name, He will give it to you,’ (John 16:23).”

Ipinagdiriwang simula ika- 15 siglo, ang debosyon sa Banal na Pangalan ni Jesus ay nakaugat sa Sacred Scriptures, lalo na sa Acts of the Apostles. Malaki ang naitulong sina Saints Bernard, Bernardine of Siena, at John Capistrano, gayundin ng Franciscan Order, para mapalaganap ang debosyon sa Kanyang Banal na Pangalan.

Pinalawak ni Pope Innocent XIII ang kapistahan sa Universal Church noong 1721.

-Christina I. Hermoso