PINAALALAHANAN ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na alalahanin ang mga biktima ng kalamidad sa gitna ng pagdiriwang ngayong holiday.

“The holiday season must not deter us from remembering our suffering brothers and sisters. Let us be one with them in their suffering and extend help in any way we can,” pahayag ng Arsobispo na na huling mga linggo na lamang ng kanyang panunungkulan bilang Manila archdiocese. Nitong Disyembre 8, itinalaga si Tagle ng Pope Francis bilang, Prefect for the Congregation of the Evangelization of Peoples, isa sa siyam na makapangyarihang kongregasyon sa Vatican.

Sa isang banal na misa sa Missionaries of Charity sa Manila, humiling ang cardinal sa lahat ng mga dumalo sa misa ng panandaliang katahimikan upang ipagdasal ang mga biktima ng kalamidad, na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Ursula nitong Araw ng Pasko.

“As we thank the Lord for all His blessings, we must also remember the victims of calamities as well as the victims of social injustice,” pahayag ni Tagle.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ayon sa pinahuling ulat, nasa 28 katao ang naitalang binawian ng buhay dulot ng bagyo na tumama sa bahagi ng Eastern Visayas, habang nasa 5,000 katao ang nananatiling apektado.

-Christina I. Hermoso